Hello Faith ^^,

Posted: October 13, 2009 in events, friends, nicosai, stuff
Tags:

October 12, 2009
23:01 GMT+8

Hello Faith. ^^,

First of all, huwag mo akong sendan ng e-mail dun sa dating e-mail account ko ’cause I barely visit that account anymore. You can reach me thru my two most recent Yahoo IDs, either through YM or e-mail. 🙂

Actually, medyo mga ilang araw na rin akong naghihintay ng tawag mula sa United States, kaya lang hindi ka pa tumatawag eh, haha. Huwag mo namang sabihing nang-indian ka, we’re just half a world away (sarcasm, lol). 😛

So far not so good rin kami dito. Luzon is under a state of calamity dahil binayo kami ng dalawang big-time na bagyo, sila Ondoy at Pepeng. First time na bahain ang bahay namin dito sa Paranaque, kinailangan pa naming iakyat lahat ng gamit sa 2nd floor. Bale binuhat ko yung ref namin, yung tv, yung washing machine, mga speakers ni papa, yung subwoofer niyang malaki, yung LPG namin, yung sala set namin, at kung anu-ano pa (astig diba). Mga 4 inches rin ang taas ng baha (mga hanggang bewang siguro sa labas) na pumasok sa bahay namin, pero grabe pa rin yung experience na yun, hehe. Tumulong rin ako sa mga nasalanta ng baha at enjoy naman kahit nakakapagod, pero hindi rin ganoong ka-extensive yung naging tulong ko dahil medyo masama rin ang pakiramdam ko nung mga panahon na yun. Sino ba’ng hindi? Hehe. 🙂

Kamusta naman kayo diyan? Sabi ko sa’yo Faith perfect kang maging domestic helper at dapat matuwa dahil ang ibig sabihin nun maalagain ka at mahilig (at magaling, of course) magwalis-walis, haha. At congrats nga pala sa’yo dahil magaling ka na magluto. Siguro mga five-star meals na ang nailuluto mo diyan katulad ng hotdog, tapsilog at cereal, haha joke. Pero sige aamin na ako magaling kang mag-bake (hindi magluto, hindi pa ako nakakatikim ng mga luto mo). Nung 4th year kasi masarap naman yung mga nagagawa niyong mga girls mga kakanin. Pasensya na dahil nilalamon na naming mga boys kaya wala tayong benta palagi. Hehe, Moseley memories. 😀

At tsaka Faith, hindi ko alam na mahilig ka pala sa mature ah at Vietnamese pa, lol. Astig kaya yun, 14 years ang age gap ninyo, pang-valentines ang dating, haha. Talo ka pa ni Hope, Faith. Pero sa totoo lang, huwag na huwag kang makikipagrelasyon diyan ah, dapat dito pa ka pa rin makakahanap. Ayun ay kung makakabalik ka pa dito, bwahaha. :mrgreen:

Good luck rin nga pala sa NCLEX mo diyan ah. I’m sure sisiw lang sa’yo yun. Ikaw pa, eh ansipag-sipag mo kaya Faith. 🙄 Saka kumuha ka na rin ng driver’s license diyan para kapag bumisita ako diyan (give me 5 years siguro, hehe), ito-tour mo ako diyan sa inyo. Tapos pwede mo na rin akong ipagluto at kung anu-ano pa. 😛

Nako miss mo na si Clem ano? Nakuwento mo na kaya sakin yan… Kahit na palagi ka niyang pinapaalis sa sala ninyo kapag nagkukwentuhan tayo sa telepono at palagi kang pinapalusutan (hindi naman mababasa ni Clem ‘to ano? :D), syempre nami-miss ka talaga nun. Ikaw rin may kasalanan, palagi kasing ikaw ang lumalamon ng mga bigay sa kanya ng girlfriend niya eh, hehe. 😛

Oi Faith napakaswerte mo naman at palagi mo kaming napapaginipan, siguro palaging masarap ang tulog mo, hahaha. At kung tila bay nakikita mo kami diyan sa California, isa lang ang ibig sabihin nun, may international appeal pa kami, bwahaha. At tsaka bakit wala kang kaibigan diyan? Hindi ako naniniwala sa’yo Faith, napakadaldal mo kaya, haha. At talagang high-level na ang English mo diyan ah. 😀

Faith huwag kang malulungkot diyan kasi kasama mo naman ang family mo diyan (susunod rin naman si Clem) at andito naman kami para maka-chat mo sa YM kung nago-online ka man lang sana, hehe. Automatic rin naman akong nandiyan para sa’yo kahit anong oras. Karen even asked me kung what time ako pwede para raw pwede tayong makapag-usap sa Yahoo conference at ang sinagot ko sa kanya ay anytime pwede ako, kahit anong oras pa man yan, basta nasa bahay ako. Ipaayos mo na yang roaming mo para matext mo naman ako (sorry demanding haha). I’m sure mag-e-enjoy ka diyan, hindi mo pa lang masyadong na-fe-feel kasi medyo naho-homesick ka pa siguro, pero syempre mawawala rin yun kasi kasama mo naman ang family mo diyan at tsaka marami ring pinoy diyan, shy-type ka pa lang siguro kaya ganun (ganun ka naman palagi sa simula), hehe. 😉

Palagi mo kaming balitaan kung kamusta ka na diyan para kahit gaano pa man ka-boring ang kalagayan mo diyan, although hindi ako naniniwala sa’yo, nasa bum stage ka pa kasi ngayon kaya marami kang oras para magmuni-muni. Balitaan mo ako kapag nagkatrabaho ka na, kapag nagka-boyfriend ka na, kapag mature ka na (haha joke :mrgreen:), kapag hindi na nila iniisip na mukhang high school graduate (hindi dahil sa “young-looking” ka kung hindi dahil pandak ka Faith bwahaha), kapag nag-e-enjoy ka na diyan sa choir na sinalihan mo (although pinapangarap ko talaga dati na sana magkakasama tayo nina Father, Rafa at Roa sa isang chamber or bigating church choir kapag nagtatrabaho na tayong lahat, oh well :P), at kung anu-ano pa. 🙂

Pasensya na wala akong Facebook, Faith. 😦 At oo hindi ko rin inakalang magaling si Christian sa Math, bwahaha. Joke lang, magaling yun. At tsaka dapat matuwa si Rendel dahil walang kupas pa rin ang version natin ng Best I Ever Had, kabisado mo pa rin ang blending, at astig pa ring mag-gitara si Mamel. 😀

Sana natuwa si Hope sa binili mong gitara para sa kanya, kami kasi ni Mamel ang nagbuhat niyan eh kasama pa yung mga pinabili ng Tatay mo, haha. Sige kapag hindi na ako busy i-pu-pursue ko uli ang pag-gi-gitara. 🙂

Ingat kayo diyan Faith. Things are always bound to change, pero sana yung ibang aspects ng pagkatao mo na ikinatutuwa ko talaga sa’yo ay hindi mawala. Naghahanap na ako ng bagong makakatelebabad na tinutulugan ako pero wala talaga eh, ikaw lang talaga ang may lakas ng loob na tulugan ako lalo na kapag may kinukwento ako sa’yong mahalaga, haha.

Basahin mo yung previous entry ko. I dedicate that quote to you. I really miss you Faith. Ingat kayo diyan. 🙂

Hello Faith. ^^,

October 13, 2009
00:12 GMT+8

Comments
  1. faith says:

    nicosai wlang ya k tlga. pra akong buang kakatawa at kakaiyak. hahaha!^_^V abnormal hehe. slamat sa napakahabang sulat. sbrang natouch ako. hehhee. best chum tlga kita. totoo yn! hahaha!^_^V anyhoo my nbibili n kong foncard! kya ttwagan kta mmyng gbi pra umaga dyn or bkas ng am pra pm s inyo kasi d ako sure kung my pasok k o wla hehehe. tsaka mga nocturnal ata tyo e kya mas mgnda na sa gabi sa inyo ako ttwag pra mas madaldal k, at umaga dito s amin pra kkgising ko lng at d kta matutulugan. hahaha!^_^V oy ngayon ko lng pla nkita tong site mo! ang galing! im so proud of you nkakayanan mo p tong isingit. hahaha. sige bbsahin ko muna mga entries mo dito. miss n miss n kita nicosai!!! huhuhu!!!

  2. nicosai says:

    Togoinks wag kang basta-bastang tatawag dito Faith baka wala ako dito, mag-online ka muna sa YM tapos i-buzz mo ako dun (minsan invisible lang ako… hehe) para alam mong andito ako. Mahirap na, mahilig rin akong lumanghap ng fresh air sa labas… hahaha. 😛

    At okay ang mga updates mo sa Multiply site. Astig! 😀

    Miss you! 😉

Leave a comment