Welcome Back!

Posted: July 17, 2009 in blog, events, family, nicosai, reunion, stuff
Tags: , , , , ,

Yey, nakakapag-update na uli ako ng blog! Hehehe. 😀

Sobrang astig ng 10th Anniversary Special ni SpongeBob SquarePants sa Nickelodeon! Astig yung mga bagong episodes! Hehe, nakakatuwa talaga. Paborito ko talaga sa mga anime at cartoon characters yung malalaki ang mata, kaya paboritong-paborito ko sila Gon Freecss (ng Hunter X Hunter) at SpongeBob SquarePants (syempre! Hehehe). Kaya lang medyo na-interrupt yung panonood ko dahil manonood ang tatay ko ng Tayong Dalawa. Akalain mo yun… Hahaha. 😛

Pwede ko nang i-share itong SpongeBob Mosaic na ginawa ng kapatid ko. Mga ilang buwan ko na rin itong wallpaper, hehehe. 🙂

spongebob mosaic

Bibisita na sila Tita Wena dito sa Pilipinas simula ngayong gabi hanggang next month. Mukhang magiging busy ako ng weekends dahil gagala kami ng madalas (yey!). Susunduin namin sila sa airport ng 10:30 PM, kaya kailangan ko nang tapusin itong entry na ‘to.

Excited na ko! Hehehe. ^^,

Leave a comment